Kamakailan, ipinakilala ng Star Magic sa pamamagitan ng kanilang official TikTok page ang pinakabagong Pop Trio na kinabibilangan ng magkakapatid na sina Julia, Ezri, at Tasha Mitra. Kilala ngayon bilang Mitra Sisters, ang trio ay mga anak ng batikang musical director na si Raul Mitra at singer-talent manager na si Cacai Velasquez, at pamangkin ng walang kapantay na Asia’s Songbird, Regine Velasquez-Alcasid.
@starmagicphils They are the MITRA SISTERS — your next fave Pop trio who is ready to take over your playlists! 🎶 TOMORROW is their time to SHINE 🌟 Tune into Star Magic’s official YouTube channel or Facebook page to catch Ezri, Julia, and Tasha as they officially become part of the Star Magic family! ✍🏻 #StarMagic ♬ original sound - starmagicphils
Agad na umani ng atensyon ang grupo mula sa netizens. Isang komento ang nagsabi:
“Excited ako marinig vocals nila!!!! Like hello, pamangkin ng nag-iisang Asia's Songbird, anak ni Cacai and musical director Raul Mitra! The musicality must be insane!!!”
Hindi maikakailang may malalim na musical foundation ang tatlong dalaga. Lumaki sila sa pamilyang puno ng musika, talento, at disiplina sa sining. Dahil dito, mataas ang inaasahan ng publiko sa kanilang vocal ability at performance level.
Siguradong may ibubuga ang Mitra Sisters pagdating sa kantahan—Maging mga anak ka ba naman ng mga talented na magulang at gayun din ng sikat na Asia's Songbird Regine Velasquez.
@greginav.15 The Mitra Sisters ✨ (Debut Soon) #JuliaMitra @julia mitra #EzriMitra @ezrimitra #TashaMitra @tasha mitra #fyp #reginevelasquez ♬ original sound - grace
Abangan ang susunod na mga eksena ng Mitra Sisters bilang bagong Pop Trio ng Star Magic—mga bagong mukha sa industriya na for sure ay may kakaibang handog sa madla.
