Yen Santos Nagsorry Sa Mga Taong Nasaktan



Matapos ang mahabang pananahimik, nagsalita na rin si Yen Santos tungkol sa kanyang huling relasyon na nauwi sa hiwalayan.

Bagamat hindi siya nagbanggit ng pangalan, malinaw sa publiko na ang tinutukoy niya ay si Paolo Contis, ang huling lalaking na-link sa kanya.

Ibinahagi ito ni Yen sa unang episode ng kanyang vlog na inilabas nitong hapon ng Miyerkules, Hulyo 23, 2025. Bago pa man ang rebelasyon, tinanong muna siya ng kanyang team kung kumusta na siya sa kasalukuyan.

Ayon kay Yen, "Right now, I'm at peace, and for me that's one of the most important things I have.

"You know, it means a lot to finally feel this kind of calm. Payapa, e. Maayos ang takbo ng buhay. Payapa yung isip ko, yung utak ko, yung paligid ko. Mas at peace talaga."

Nang tanungin kung handa na ba siyang balikan at pag-usapan ang mga kontrobersiyang kinasangkutan niya, tugon niya:

"Yes, okay ng pag-usapan yun ngayon because feeling ko, enough time has passed.
Nakapag-reflect na ako. Madami na akong natutunan doon sa nangyari.
And para din masabi ko lang din yung side ko, hindi para i-justify. Para lang din maging honest and transparent."

Sa tanong kung kumusta na ang kanyang puso, maikli pero buo ang sagot ni Yen:
"Payapa. Payapa."

Nang usisain kung ano talaga ang nangyari sa kanilang relasyon, sinabi niyang isa raw itong malaking biyaya na nakawala siya rito, bagamat hindi pa rin niya pinangalanan ang dating karelasyon.

Pagpapatuloy niya:
"Napakalaking blessing na natapos na yun. Malaking blessing na nagising na ako doon sa nightmare na yun and I walked away.
Kasi hindi talaga worth it.
It wasn't worth wasting my time, my energy sa someone na kinu-control ka, mina-manipulate ka.
That kind of life drains you, and you lose yourself in the process.
So hindi mo gugustuhin talaga yung ganun klaseng buhay.
And minsan, the most powerful thing you can do is walk away and set yourself free. Piliin mo yung sarili mo talaga."



Ibinahagi rin ni Yen ang kanyang pananaw tungkol sa pag-uugali ng isang tao sa isang relasyon.

Paliwanag niya:
"Sa una kasi hindi naman yan magpapakilala, e.
The person I met in the beginning, that wasn't really him."