Heaven Peralejo at Marco Gallo, Naghiwalay na: “Magkaibigan pa rin kami”



Lunes, Hulyo 22, 2025 – Maynila — Kinumpirma ng aktres na si Heaven Peralejo ang balitang hiwalayan nila ng aktor na si Marco Gallo matapos ang mahigit isang taong relasyon. Sa isang panayam noong linggo, emosyonal ngunit kalmado niyang ibinahagi na nagdesisyon silang maghiwalay nang maayos.

“We're not together anymore. It's a mutual decision to move forward individually.” pahayag ni Heaven. “So we're okay. We're good friends and sana maintidihan yan ng mga taong nagmamahal sa amin and tuloy tuloy pa rin ang pagsuporta kahit we are on a different path.”

Matatandaang naging usap-usapan ang tambalan ng dalawa matapos silang magsimulang maglabas ng mga sweet photos noong unang bahagi ng 2024. Mabilis silang minahal ng kanilang fans, lalo na sa mga proyektong pinagsamahan nila sa pelikula at telebisyon. Sa kabila ng kanilang chemistry on-screen, aminado ang dalawa na naging mahirap ang pagsabayin ang trabaho at relasyon.

Ayon sa malapit sa dalawa, parehong naka-focus ngayon sina Heaven at Marco sa kani-kanilang mga proyekto. Si Heaven ay abala sa isang upcoming teleserye sa primetime, habang si Marco ay kasali sa isang bagong international film project.

Bagama’t masakit ang paghihiwalay, pinili nilang maging pribado ang ilang detalye sa likod nito bilang respeto sa isa’t isa.



Fans, Supportive Pa Rin

Sa social media, bumuhos ang suporta mula sa kanilang fans. Marami ang nagsabing bagama’t masakit ang balita, ipinagmamalaki nila ang maturity ng dalawa sa pagharap sa kanilang desisyon.

“True love doesn’t always mean staying together. Minsan love is letting go. We still support you, Heaven and Marco!” komento ng isang fan.

Sa ngayon, nananatiling magkaibigan ang dalawa at bukas sa posibilidad ng muling pagtatrabaho sa hinaharap.